Xinjiang, dapat samantalahin ang espesyal na bentahe at pataasin ang lebel ng pagbubukas — Premyer Tsino

2024-05-10 14:36:12  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri sa rehiyong awtonomo ng Uygur ng Xinjiang mula noong Mayo 5 hanggang 9, 2024, ipinagdiinan ni Premyer Li Qiang ng Tsina na dapat malalim na ipatupad ang diwa ng mahalagang talumpating binigkas ni Pangulong Xi Jinping sa talakayan ng pagpapasulong ng paggagalugad ng gawing kanluran ng bansa sa makabagong panahon at estratehiya ng pangangasiwa ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Xinjiang sa makabagong panahon, at dapat ding samantalahin at paunlarin ng Xinjiang ang espesyal at may-bentaheng industriya, pataasin ang lebel ng pagbubukas sa loob at labas ng bansa upang mabenepisyunan ng mas mabuti ang mga mamamayan at mapasulong ang pangmalayuang kasaganaan at katahimikan.


Lubos ding pinapurihan ni Premyer Li ang natamong progreso ng Xinjiang sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.


Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapasulong ang iba’t-ibang gawain sa Xinjiang at makakapagbigay ng mas malaking ambag sa pangkalahatang kalagayang pangkaunlaran ng buong bansa.


Salin: Lito

Pulido: Ramil