(Video) Estero ng Ilog Yalu, paraiso ng mga migranteng ibon

2024-05-10 16:39:52  CMG
Share with:


Ipagdiriwang Mayo 11, 2024, ang unang Pandagdigang Araw ng mga Migranteng Ibon ngayon taon, at ginaganap ito dalawang beses kada taon, tuwing ikalawang Sabado ng Mayo at Oktubre.

 

Nagtitipon kamakailan ang humigit-kumulang 300 libong migranteng ibon sa estero ng Ilog Yalu o Yalujiangkou sa wikang Tsino, lunsod Dandong, probinsyang Liaoning sa dakong hilagang-silangan ng Tsina.

 

Ang Yalujiangkou ay isang mahalagang hintuan para sa East Asian–Australasian Flyway ng mga migranteng ibon at kilala rin ito bilang “paraiso ng mga migranteng ibon.”

 

Sa pamamagitan ng video na ito, halina’t pagmasdan natin ang kagilas-gilas na tanawin ng mga migranteng ibon sa Yalujiangkou.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil