Mahigit 900 bagong pulsar, natuklasan ng higanteng teleskopyo ng Tsina

2024-05-13 17:00:07  CMG
Share with:


Isiniwalat kamakailan ng FAST Operation and Development Center ng National Astronomical Observatories (NAOC) ng Chinese Academy of Sciences, mahigit 900 nang bagong pulsar ang natuklasan ng Five-hundred-meter Aperture Spherical Radio Telescope (FAST) ng Tsina, sapul nang ilunsad ito noong 2016.

 

Ang mga pulsar ay mabilis na umiikot na neutron star na naglalabas ng mga sinag ng elektromagnetikong radiyasyon, na maaaring ma-obserbahan bilang regular na pulse o pintig ng ilaw habang sumisiklo sa Daigdig.

 

Bilang pinakamalaking single-dish radio telescope sa daigdig, pinalalawak ng FAST ang pagkaunawa ng sangkatauhan sa eksplorasyon ng kalawakan.

 


Salin: Kulas

Pulido: Rhio