Tsina, nagsagawa ng aksyon ng pagpapatupad ng batas sa katubigan ng Huangyan Dao

2024-05-15 20:12:52  CMG
Share with:

Alinsunod sa batas, isinagawa Mayo 15, 2024 ng China Coast Guard (CCG) ang aksyon ng pagpapatupad ng batas sa katubigan ng Huangyan Dao.


Sa kabila ng paulit-ulit na pagpapayo at pagbabala ng panig Tsino, buong tigas at ilegal na pumasok ang bapor ng Pilipinas sa teritoryong pandagat ng Tsina.


Kaugnay nito, inihayag ng CCG na ang aksyon ng panig Pilipino ay malubhang lumalapastangan sa soberanya ng panig Tsino, at malubhang lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig.


Hinimok din ng CCG ang panig Pilipino na agarang itigil ang probokatibo nitong aksyon.


Salin: Lito