Pagbuti ng kabuhayang Tsino, ibayo pang nagpapalakas sa kompiyansa ng komunidad ng daigdig — Wang Wenbin

2024-05-18 11:01:58  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagpapataas kamakailan ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU) at mga pandaigdigang organong pinansiyal ng pagtaya sa paglaki ng kabuhayang Tsino sa kasalukuyang taon, ipinahayag Mayo 17, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang tunguhin ng pagbuti ng kabuhayang Tsino ay ibayo pang nagpapalakas sa kompiyansa ng komunidad ng daigdig sa pamumuhunan sa Tsina.


Sinabi ni Wang na sapul nang pumasok sa kasalukuyang taon, sustenableng bumubuti ang kabuhayang Tsino. Noong unang kuwarter ng taong ito, lumaki ng 5.3% ang kabuhayang Tsino kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon, at walang patid na tumitibay ang tunguhin ng pagbuti nito, saad niya.


Ani Wang, ang pag-unlad ng Tsina ay bukas para sa buong daigdig, at ang pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina ay pagkakataon para sa daigdig.


Winiwelkam aniya ng Tsina ang patuloy na pamumuhunan sa Tsina ng iba’t-ibang bansa sa daigdig upang magkakasamang tamasahin ang pagkakataong dala ng pag-unlad ng Tsina, dagdag pa niya.


Salin: Lito