Pagpapasulong ng modernong sistemang panturista, ipinagdiinan ng pangulong Tsino

2024-05-18 10:59:25  CMG
Share with:

Sa isang pulong tungkol sa gawaing panturista, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa bagong proseso ng makabagong panahon, nahaharap ang pag-unlad ng turismo sa mga bagong pagkakataon at hamon.


Ipinagdiinan niya na dapat magsikap ang iba’t-ibang lugar at departamento ng bansa upang mapasulong ang modernong sistemang panturista at pabilisin ang pagtatayo ng Tsina bilang isang malakas na bansa sa turismo.


Tinukoy ni pangulong Xi na sapul nang isagawa ang polisya ng reporma at pagbubukas sa labas, partikular na Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), napakabilis na umuunlad ang industriyang panturista ng Tsina na nabuo na ang pinakamalaking domestikong merkadong panturista sa buong mundo.


Ang Tsina aniya ay nagsisilbing pinakamalaking bansang pinanggagalingan ng mga turista at pangunahing destinasyong panturista sa buong mundo.


Ang industriyang panturista ay unti-unting nagsisilbing bagong-sibol na estratehikong industriya na may malalim na kaugnayan sa pamumuhay at kaligayahan ng mga mamamayan, at matagumpay na tumatahak ang Tsina sa isang landas ng pag-unlad ng turismo na may katangiang Tsino.


Idinaos Mayo 17 sa Beijing ang Pambansang Pulong ng Pag-unlad ng Turismo.


Dumalo rito ang mga opisyal ng deparatmentong panturista, namamahalang tauhan ng mga kaukulang organisasyon at asosyasyon ng bansa.


Salin: Lito