Inaprubahan, Abril 15, 2024 ng Securities Regulatory Commission ng Tsina ang pagtatatag ng BNP Paribas Securities China Limited, isang sangay na buong pagmamay-ari ng BNP Paribas.
Ipinakikita nito ang paglalim at paglawak ng kooperasyong Sino-Pranses sa kabuhayan at kalakalan, na nagbubukas ng bagong larangan sa kolaborasyon.
Ayon sa Ministri ng Komersyo, lumaki ng 585.8% ang direktang pamumuhunan ng Pransya sa Tsina noong nagdaang Enero at Pebrero kumpara sa parehong panahon ng nagdaang taon. Ipinakikita nito ang patuloy na optimismo ng mga kompanyang Pranses sa merkadong Tsino.