(Video) Pambihirang karanasan, hatid ng intelihenteng antipara

2024-05-20 11:28:33  CMG
Share with:


Pambihirang karanasan ang inihahatid ngayon sa mga bumibisita ng China (Hangzhou) Artificial Intelligence Town sa Hangzhou Future Tech City, lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang, gawing silangan ng Tsina, ng intelihenteng antipara o salamin sa mata na gumagana sa pamamagitan ng augmented reality (AR).

 

Taglay ang iba’t-ibang pungsyon, ang nasabing antipara ay naghahatid ng mga karanasang gaya ng AR special effects, digital sandbox, AR map navigation, at virtual tour guide.

 

Matapos itong isuot, tuluy-tuloy na lumilitaw ang mga elementong biswal na kinabibilangan ng teksto, larawan, video, tatlong dimensional na mga bagay, at iba pa.

 

Pinalalawak nito ang hanggahan ng tradisyunal na audio guide.



Salin: Kulas

Pulido: Rhio