Pagpapatingkad ng mga bansang Arabe sa isyu ng Palestina, suportado ng panig Tsino

2024-05-21 17:09:49  CMG
Share with:

Idinaos kamakailan sa Bahrain ang Ika-33 Arab League Summit kung saan pinagtibay ang “Bahrain Declaration” at kaukulang pahayag.


Hinahangaan nito ang posisyon ng panig Tsino na sumusuporta sa mga bansang Arabe sa isyu ng Palestina.


Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 21, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sinusuportahan ng panig Tsino ang mga bansang Arabe sa pagpapatingkad ng mas malaking papel sa isyu ng Palestina.


Kasama ng mga bansang Arabe, nakahanda aniyang magsikap ang panig Tsino upang mapalakas ang pagkokoordinahan at pagtutulungan, mapahupa ang kasalukuyang maigting na situwasyon ng Palestina at Israel, at mapasulong ang panunumbalik ng nasabing isyu sa tumpak na landas ng “two-state solution.”


Salin: Lito

Pulido: Ramil