Espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi, dumalo sa memorial service ng yumaong pangulong Iranyo

2024-05-23 16:41:22  CMG
Share with:

Mayo 22, 2024, sa Tehran – Dumalo si Zhang Guoqing, Espesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping at Pangalawang Premyer ng Tsina, sa memorial service ng yumaong Pangulong Ebrahim Raisi ng Iran.

 

Maliban diyan, kinatagpo rin siya ni Pansamantalang Pangulo Mohammad Mokhber ng bansa.

 

Ipinaabot ni Zhang ang mensahe ng pakikiramay ni Pangulong Xi, at hinirang siya bilang espesyal na kinatawan na dumalo sa memorial service.

 

Lubos nitong ipinakita ang mataas na pagpapahalaga ni Pangulong Xi at pamahalaang Tsino sa relasyong Sino-Iranyo, aniya.

Aniya, sa kasalukuyang mahirap na oras, matatag na nakatindig ang mga Tsino sa tabi ng mga Iranyo.

 

Nananalig aniya siyang mapagtatagumpayan ng Iran ang mga kahirapan at mapapasulong ang iba’t-ibang usapin ng bansa.

 

Ani Zhang, mahalagang ambag ang ibinigay ni yumaong Pangulong Raisi sa pangangalaga ng kaligtasan at katatagan, at pagpapasulong ng kaunlaran at kasaganaan ng Iran.

 

Aktibo rin aniya siyang nagsikap upang mapatibay at mapalalim ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Iran.

 

Matatag na suportado ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang pamahalaan at mga mamamayang Iranyo sa pangangalaga ng pagsasarili, katatagan at kaunlaran ng kanilang bansa, saad ni Zhang.

 

Magsisikap aniya ang Tsina kasama ng Iran para lalo pang mapalalim ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang panig.

 

Samanatala, ipinahayag naman ni Mohammad Mokhber na laging pinapaunlad ng Iran ang relasyon sa Tsina.

Nakahanda aniyang magsikap ang Iran, kasama ng Tsina, para palalimin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at pasulungin ang bagong pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio