Beijing — Sa kanyang pakikipag-usap Mayo 24, 2024 kay Sok Chenda Sophea, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Suliraning Panlabas at Kooperasyong Pandaigdig ng Cambodia, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang buong tatag na suporta ng panig Tsino sa pagtahak ng Cambodia sa isang matagumpay na landas tungo sa pag-unlad.
Ani Wang, kasama ng panig Kambodyano, nakahanda ang panig Tsino na isakatuparan ang estratehikong napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa upang mapasulong pa ang kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Ipinahayag naman ni Sok Chenda Sophea na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyong Kambodyano-Sino.
Matatag aniyang iginigiit ng Kambodya ang prinsipyong isang-Tsina, at buong tatag na sinusuportahan ang ginagawang pagsisikap ng Tsina sa pangangalaga sa nukleong sariling kapakanan.
Salin: Lito
Pulido: Ramil