Dumating ngayong araw, Mayo 26, 2024, sa Seoul, Timog Korea, si Premyer Li Qiang ng Tsina, para dumalo sa ika-9 na summit ng Tsina, Hapon, at Timog Korea.
Maliban sa nasabing summit meeting, dadalo rin si Li, kasama ang mga lider naturang dalawang bansa sa business summit ng Tsina, Hapon, at Timog Korea.
Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga palagay sa trilateral na kooperasyon, umaasa ang panig Tsino ihahandog ng summit ang bagong lakas pangkooperasyon, at maglalatag ng landas tungo sa pagdaragdag ng mutuwal na benepisyo para sa tatlong bansa, anang Ministring Panlabas ng Tsina.
Kasama ng Hapon at Timog Korea, magsisikap anito ang Tsina para ipatupad ang Trilateral Cooperation Vision for the Next Decade at iba pang mahahalagang komong palagay; palalimin ang kooperasyong pangkabuhayan, pangkalakalan, pansiyensiya, panteknolohiya, at pangkultura; pasulungin ang rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan sa Silangang Asya; at itaguyod ang rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan