Ika-20 China International Cultural Industries Fair, ipininid

2024-05-28 16:24:08  CMG
Share with:

Ipininid kahapon, Mayo 27, 2024, ang limang araw na eksibisyon ng 20th China International Cultural Industries Fair sa lunsod Shenzhen ng Tsina.

Sa porma ng online at offline, lumahok dito ang 6,015 grupo, organong kultural at kompanya na galing sa 60 bansa at rehiyon. Ito ay mas malaki ng 2,419 kumpara sa nakaraang eksibisyon.


Sa panahon eksibisyon, higit sa 100 mga inobatibong proyekto at bagong produkto ang lumabas na komprehensibong nagpakita ng malawak na paggamit ng didyital na teknolohiya sa industriyang pangkultura. 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil