Paglutas sa makataong krisis sa Palestina, dapat bilisan — Kinatawang Tsino

2024-06-01 11:02:52  CMG
Share with:

Ipinahayag Mayo 31, 2024 ni Chen Xu, pirmihang kinatawang Tsino sa tanggapan ng United Nations (UN) sa Geneva at ibang mga organisasyong pandaigdig sa Switzerland, na ang patuloy na bakbakan ng Palestina at Israel ay nagbubunsod ng grabeng makataong krisis.


Sinabi niya na ang patuloy na paglala ng kalagayang pangkalusugan sa mga sinakop na lupain ng Palestina ay di katanggap-tanggap, at dapat bilisan ang paglutas sa isyu ng Palestina, partikular na sa makataong krisis.


Nanawagan aniya ang panig Tsino na agarang itigil ang pag-atake sa Rafah, at itigil ang anumang aksyong militar na nakatuon sa mga sibilyan, ospital, at iba pa.


Diin pa niya, ang “two-state solution” ay tanging pragmatikong kalutasan sa isyu ng Palestina at Israel, at itinataguyod ng panig Tsino ang pagdaraos ng mas malawak, mas makapangyarihan, at mas mabisang pandaigdigang pulong na pangkapayapaan para balangkasin ang konkretong timetable at roadmap ng pagsasakatuparan ng “two-state solution” at maisakatuparan ang mapayapang pakikipamuhayan ng Palestina at Israel.


Salin: Lito

Pulido: Ramil