Pistang pampalakasan ng 2024 Filipino-Chinese Friendship Day, binuksan

2024-06-03 18:29:56  CMG
Share with:

Sa pagtataguyod ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry.lnc. (FFCCCII), at iba pa, binuksan Hunyo 2, 2024, sa Chiang Kai Shek College, Maynila, ang pistang pampalakasan ng 2024 Filipino-Chinese Friendship Day.

Ayon sa mga kalahok na opisyal, ang Filipino-Chinese Friendship Day ay mabuting plataporma sa pagpapamana ng tradisyonal na pagkakaibigan ng mga Tsino at Pilipino, at pagpapabuti ng pagpapalitang di-pampamahalaan ng dalawang bansa.


Anila pa, napakahalaga at malugod na tinatanggap ng iba’t-ibang sirkulo ng Pilipinas ang nasabing kaganapan.

Salin:Sarah

Pulido:Rhio