Tulou ng Fujian, di-lamang arkitektura, isa ring pamanang kultural

2024-06-03 17:16:15  CMG
Share with:

Bilang isa sa mga gusaling Tulou ng etnikong Hakka, ang “Fuyu Tulou” ay isang sikat na atraksyong pantursita sa lalawigang Fujian, gawing timog silangan ng Tsina.

 

Ang Tulou ay sinaunang panirahang gusali ng etnikong Hakka na gawa sa bato, kahoy, at luwad.

 

Ang mga ito ay hindi lamang natatanging obra maestrang pang-arkitektura, kundi mahalaga ring simbolong kultural ng Tsina.

 

Noong 2008, pormal na inilakip ng Ika-32 World Heritage Committee ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang mga Tulou ng Fujian sa World Heritage List.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio