Sa isang video footage na inilabas ng China Coast Guard (CCG), nakikitang itinutok ng di-kukulangin sa dalawang tauhan sa BRP Sierra Madre na iligal na nakasadsad sa Ren'ai Jiao ang kani-kanilang riple sa grupo ng mga tauhan ng CCG, na nagpapatrolya sa nakapaligid na karagatan.
Ayon sa CCG, naganap ang panunutok noong Mayo 19, habang tinatanggap ng mga tauhan sa BRP Sierra Madre ang suplay na inihulog ng eroplano.
Sinabi ng CCG, na alinsunod sa batas, isinasagawa ng mga tauhan nito ang pagmo-monitor sa mga aktibidad ng panig Pilipino nang mangyari ang panunutok.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan