(AI-generated Video) Pestibal ng Bangkang Dragon

2024-06-07 16:11:01  CMG
Share with:


Sa taong ito, ang Pestibal ng Bangkang Dragon o Duanwu Festival ay natatapat sa Hunyo 10.

 

Sa tradisyunal na kapistahang Tsinong ito, maraming kaugalian ang umiiral sa iba’t-ibang lugar ng Tsina.

 

Halimbawa, ang mga pamilyang Tsino ay naghahanda at kumakain ng zongzi, o hugis piramideng suman.

 

Mayroon ding kaugalian na pagsasabit ng damong maria, pagpapalipad ng saranggola, paggawa ng sachet, pag-inom ng alak na realgar, pagsusuot ng five-colored threads sa galang-galang at bukong-bukong.

 

Bukod pa riyan, idinaraos din sa maraming lugar ng bansa ang karera ng bangkang dragon, at ito’y nagiging isa sa mga pinakapopular na water sports sa Tsina.

 

Ang lahat ng mga kaugaliang ito ay naglalayong alisin ang mga sakit sa katawan, at magkaroon ng magandang kalusugan at kaligayahan.

 

Ang Pestibal ng Bangkang Dragon ay hindi lamang isang pestibal ng Tsina, kundi, isang selebrasyon din na ipinagdiriwang sa buong mundo.

 

Muli, mapayapa’t maligayang Pestibal ng Bangkang Dragon sa inyong lahat. 



Salin/Video: Kulas

Pulido: Ramil