Resolusyon ng pagtatatag ng Pandaigdigang Araw ng Sibilisadong Diyalogo, aprubado ng UNGA

2024-06-08 10:07:37  CMG
Share with:

Buong pagkakaisang inaprobahan Mayo 7, 2024 (lokal na oras) ng Ika-78 Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UNGA) ang resolusyong iniharap ng Tsina tungkol sa pagtatatag ng Pandaigdigang Araw ng Sibilisadong Diyalogo.


Natiyak ng resolusyong ito na ang lahat ng progreso ng sibilisasyon ay komong kayamanan ng buong sangkatauhan.


Itinataguyod nito ang paggalang sa dibersidad ng sibilisasyon, ipinagdiinan ang mahalagang papel ng sibilisadong diyalogo para sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig, pagpapasulong ng komong kaunlaran, pagpaparami ng biyaya sa sangkatauhan, at pagsasakatuparan ng komong progreso, at itinataguyod ang pantay na diyalogo at paggagalangan sa isa’t-isa sa pagitan ng iba’t-ibang sibilisasyon.


Ipinasiya ng UNGA na maging Pandaigdigang Araw ng Sibilisadong Diyalogo ang Hunyo 10.


Salin: Lito

Pulido: Ramil