Dalawang banyan tree, simbolo ng pagpapatuloy ng ideya sa reporma at pagbubukas sa labas

2024-06-16 18:59:55  CMG
Share with:

Noong taong 2000, itinanim ni Xi Zhongxun, ama ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang isang banyan tree sa Shenzhen, lunsod ng lalawigang Guangdong sa timog bansa, bilang paggunita sa malalim na koneksyon niya at lalawigang ito.

 


Mula noong 1978 hanggang 1980, nagtrabaho bilang lokal na lider sa Guangdong si Xi Zhongxun, at buong husay niyang ipinatupad dito ang mga patakaran ng partido at estado na gaya ng pagbibigay-priyoridad sa pagpapaunlad ng kabuhayan, at reporma’t pagbubukas sa labas.

 

Dahil sa pag-eenkorahe ng karanasang ito ng ama, gusto rin ni kabataang Xi Jinping na magtrabaho sa mga probinsya, para makita ang iba’t ibang lugar ng bansa at palakasin ang kakayahang administratibo.

 


Noong 1982, sa kanyang sariling kahilingan, umalis si Xi Jinping ng kanyang puwesto sa Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina, para pasimulan ang 25-taong pagtatrabaho sa Hebei, Fujian, Zhejiang, at Shanghai. At tulad ng kanyang ama, ibinuhos ni Xi Jinping ang napakalaking pagsisikap sa trabaho sa mga lugar na ito, at matagumpay din ang kanyang administrasyon sa bawat lugar.