Xi Jinping at kanyang ama, kapwa nagmamahal sa mga mamamayan

2024-06-16 18:57:50  CMG
Share with:

 

Habang nanunungkulan bilang puno ng lokal na komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Shaanxi noong 1943 sa panahon ng digmaan laban sa pananalakay ng Hapon, sinabi minsan ni Xi Zhongxun sa kanyang mga kasamahan, na “dapat magsalita tayo para sa mga mamamayan.”

 

Si Xi Zhongxun ay ama ni Xi Jinping, kasalukuyang pangulo ng Tsina.

 

Ayon kay Pangulong Xi, ipinamana ng ama sa kanya hindi lamang ang kagawian ng simpleng pamumuhay, kundi rin ang mahalagang ideyang ang mga opisyal ng CPC ay “galing sa mga mamamayan at para sa mga mamamayan.”

 

Sa Araw ng Ama, tunghayan natin ang isang kuwento sa pagitan ni Pangulong Xi at kanyang ama, para malaman kung paanong ipinagpatuloy nila ang ideyang “paglilingkod sa mga mamamayan.”