Sinaunang bayan ng Fengjing, popular nang lokasyon para sa TV filming

2024-06-17 16:11:35  CMG
Share with:


Ang Sinaunang Bayan ng Fengjing ay isa na ngayon sa mga pinakapopular na atraksyon ng lunsod Shanghai, gawing silangan ng Tsina.

 

Itinatampok dito ang tipikal na mga tanawin at awtentikong atmospera ng isang water town.

 

Sa sinaunang bayang ito, mabuting napreserba ang maraming estrukturang kinabibilangan ng 52 tulay, 29 na purok ng mga kalsada, at 84 na eskinita.

 

Ang mga ito ang dahilan kung bakit maraming serye ng drama sa telebisyon ang nagsagawa ng filming dito.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio