Tanggapan ng ICRC sa Gaza Strip, sinalakay

2024-06-22 11:32:37  CMG
Share with:

Inilabas Hunyo 21, 2024 (lokal na oras) ng International Committee of the Red Cross (ICRC) ang pahayag na sinalakay ang tanggapan nito sa Gaza Strip gamit ang shell attack na nagbunsod ng pagkasira ng gusali ng tanggapan nang araw ring iyon.


Mahigpit na kinondena sa pahayag ng ICRC ang insidenteng ito.


Anito, ayon sa pandaigdigang makataong batas, may obligasyon ang iba’t-ibang nagsasagupaang panig na isagawa ang lahat ng hakbangin upang maiwasan ang pagkapinsala sa mga sibilyan at pagkasira sa mga instalasyong pangsibilyan.


Salin: Lito

Pulido: Ramil