18 Tsino, patay sa sunog sa pabrika ng baterya sa Hwaseong, Timog Korea

2024-06-25 16:48:12  CMG
Share with:

Kinumpirma Hunyo 24, 2024, ng Embahadang Tsino sa Timog Korea na 18 Tsino ang patay sa sunog sa isang pabrika ng baterya sa Hwaseong, Timog Korea.

 


Ayon sa pinakahuling balita, 22 ang namatay sa sunog, 8 ang sugatan at 1 ang nawawala.

 

Bandang 10:31 ng umaga ng Hunyo 24 naganap ang sunog. Kinaumagahan, sinabi ng bumbero na 23 katao ang nawawala at 20 dito ay mga dayuhan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil