Pag-uusap nina Ma Zhaoxu at Kurt Campbell, inilahad ng MOFA

2024-06-29 11:22:50  CMG
Share with:

Nag-usap sa telepono Hunyo 27, 2024 sina Pangalawang Ministrong Panlabas Ma Zhaoxu ng Tsina at Pangalawang Kalihim Kurt Campbell ng Estado ng Amerika.


Kaugnay nito, sinabi Hunyo 28 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Minstring Panlabas ng Tsina na matapat at malalim na nagpalitan ng kuro-kuro ang kapuwa panig tungkol sa kasalukuyang relasyong Sino-Amerikano at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.


Ani Mao, sa pag-uusap, inilahad ni Ma ang solemnang posisyon ng panig Tsino sa mga isyung gaya ng Taiwan, Xizang, South China Sea, at krisis ng Ukraine.


Hiniling aniya ni Ma sa panig Amerikano na aktuwal na tupdin ang nagawa nitong pangako, totohanang igalang ang kaligtasan ng soberanya at kapakanang pangkaunlaran ng Tsina, at patingkarin ang positibong papel para sa matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.


Salin: Lito

Pulido: Ramil