Nag-usap umaga ng Hulyo 3, 2024 (lokal na oras), sa Palasyong Pampanguluhan ng Astana, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan.
Tinukoy ni Xi na sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Kazakhstan, 32 taon na ang nakakalipas, ang pagkakaibigan ng dalawang bansa ay umabot sa mataas na antas ng permenateng komprehensibo’t estratehikong partnership.
Muling iginiit niya na anuman ang mga pagbabago sa pandaigdigang sitwasyon, determinado ang Tsina na panatilihin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa, isulong ang pagtutulungan at suportahan ang isa’t isa sa kani-kanilang nukleong interes. Naniniwala rin siya na makakamit ng Tsina at Kazakhstan ang kanilang pambansang layunin sa pag-unlad.
Ipinahayag ni Xi ang kahandaan niyang magsikap, kasama ni Pangulong Kassym-Jomart Tokayev para magkasamang itatag ang mas makabuluhan at dinamikong komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Kazakhstan, at magbigay ng mas maraming positibong enerhiya sa pag-unlad at katatagan ng rehiyon at mundo.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil