Sa paanyaya ni Pangulo Emomali Rahmon ng Tajikistan, dumating, Hulyo 4, 2024 (lokal na oras), sa Dushanbe, Tajikistan, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para isagawa ang dalaw pang-estado.
Inihandog ni Rahmon sa paliparan ang maringal na seremonyang panalubong kay Xi.
Sa kanyang talumpati, binigyan ni Xi ng mataas na pagtasa ang relasyon at kooperasyon ng Tsina at Tajikistan.
Ipinahayag niya ang pag-asang sa pamamagitan ng pagdalaw na ito, itatakda ang mga bagong plano para sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at pasusulungin sa mas mataas na antas ang kanilang komprehensibong kooperasyon.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos