Bilang isa sa apat na subset ng Fujian cuisine at kinatawan ng Min cuisine, na kabilang sa walong magagandang tradisyon ng lutuing Tsino, kilala ang mga pagkaing Fuzhou, lunsod ng probinsyang Fujian ng Tsina dahil sa katangi-tanging pagluluto, maliwanag na kulay at pagbibigay-diin sa kumbinasyon ng pinong sopas at sangkap.
Kasama sa mga meryenda sa Fuzhou ang mga fish balls, rouyan (isang uri ng meaty wonton), Fotiaoqiang (Buddha Jumps Over the Wall) at mga oyster cake.
Maraming seafood at woodland recipe ang bahagi rin ng Fuzhou cuisine, na nagbibigay sa mga tao ng magaan, malambot ngunit masaganang lasa.
Salin: Lito