Bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina noong unang hati ng taong 2024, lumaki ng 6.1%

2024-07-12 15:45:16  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas ngayong araw Hulyo 12, 2024 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, ang bolyum ng kalakalang panlabas ng bansa noong unang hati ng taong 2024 ay umabot sa 21.17 trilyong yuan RMB o halos $2.97 trilyong Dolyares na lumaki ng 6.1% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023.


Kabilang dito, ang bolyum ng pagluluwas ay lumaki ng 6.9% habang ang mga pag-aangkat ay lumaki ng 5.2%.


Samantala, noong ikalawang kuwarter ng taong ito, ang bolyum kalakalang panlabas ay lumaki ng 7.4% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2023, mas mataas kaysa sa 4.9% ng unang kuwarter ng taong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil