Ika-2 High-Level Conference of the Forum on Global Action for Shared Development, idinaos sa Beijing

2024-07-13 11:22:38  CMG
Share with:

Beijing — Idinaos Hulyo 12, 2024 ang Ika-2 High-Level Conference of the Forum on Global Action for Shared Development.


Bumigkas ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas si Wang Yi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng CPC.


Ipinahayag ni Wang na nitong 3 taong nakalipas sapul nang iharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang Global Development Initiative, walang patid na bumubuti ang mekanismong pangkooperasyon, dumarami nang dumarami ang bungang pangkooperasyon, at nakuha ng inisyatibang ito ang malawak na paghanga at aktibong pagsapi ng komunidad ng daigdig.


Nakahanda ang Tsina na patuloy na payamanin ang tsanel ng pamumuhunan, pabutihin ang modelong pangkaunlaran at pangkooperasyon, palakasin ang konstruksyon ng kakayahan ng pag-unlad, at palalimin ang pakikipagkoordinahan sa iba’t-ibang panig upang mabuo ang masiglang puwersa sa sustenableng pag-unlad, ani Wang.


Salin: Lito

Pulido: Ramil