Punong Ministro ng Solomon Island, kinatagpo ni Pangulong Xi Jinping

2024-07-13 11:21:16  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Hulyo 12, 2024 kay Jeremiah Manele, dumadalaw na Punong Ministro ng Solomon Island, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na itinuturing ng Tsina ang Solomon Island bilang mabuting kaibigan at katuwang. Kinakatigan aniya ng Tsina ang pagtahak ng Solomon Island sa landas ng pag-unlad na angkop sa sariling kalagayang pang-estado.


Kasama ng Solomon Island, nakahanda aniya ang Tsina na palakasin ang estratehikong pagsasanggunian, katigan ang isa’t-isa sa mga isyung may kaugnayan sa kani-kanilang nukleong kapakanan, pasulungin ang magkakasamang konstruksyon ng “Belt and Road” Initiative, at palalimin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kaunlaran sa kanayunan, medisina, imprastruktura, sustenableng pag-unlad, at pagharap sa pagbabago ng klima para kapit-bisig na maitatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Solomon Island sa makabagong panahon at benepisyunan ng mas mabuti ang mga mamamayan ng kapuwa bansa.


Ipinahayag naman ni Manele na ang Global Development Initiative, Global Security Initiative at Global Civilization Initiative na iniharap ni Pangulong Xi ay nakakatulong sa pagpapasulong ng kapayapaan, katatagan at komong kaunlaran ng daigdig.


Ang mga ito aniya ay may nakapahalagang katuturan para sa mga maliliit na bansang tulad ng Solomon Island, saad ni Manele.


Buong tatag na iginigiit ng Solomon Island ang prinsipyong isang-Tsina at tinututulan ang “pagsasarili ng Taiwan” sa anumang porma, diin pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil