Trump, sugatan pero ligtas matapos siyang barilin sa rally sa Pennsylvania

2024-07-14 17:27:13  CMG
Share with:

 

Binaril si dating pangulong Donald Trump ng Amerika at kasalukuyang kandidato sa pagkapangulo ng Partido Republikano, habang nagtatalumpati sa isang rally, Hulyo 13, 2024, lokal na oras sa Butler, Pennsylvania.

 

Nasugatan si Trump sa kanang taenga, pero ayon sa ulat, ligtas at mabuti na ang kanyang kondisyon.

 

Sinabi naman ng Secret Service na nasawi ang may-kagagawan.

 

Ayon naman sa panig pulisya ng bansa, tinitingnan nila ang pamamaril bilang posibleng tangkang asasinasyon.

 

Dagdag ng Secret Service, nasawi rin sa insidente ang isang manonood sa rally, at dalawang iba pa ang nasa kritikal na kondisyon,

 

Halos dalawang oras makaraan ang pangyayari, sinabi ni Pangulong Joe Biden, na walang lugar sa Amerika ang ganitong karahasan.

 

Aniya, siya ay nagagalak dahil ligtas si Trump.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan