Populasyon ng gintong-unggoy sa Shennongjia, higit sa 1,600

2024-07-15 16:48:06  CMG
Share with:

Ayon sa ika-4 na sarbey ng Shennongjia Forest Area, malinaw na bumuti ang populasyon ng mga gintong-unggoy sa lugar na ito sa lalawigang Hubei sa gitna ng Tsina.

Kumpara sa resulta ng ika-3 sarbey noong 2019, 1 grupo ang naidagdag sa populasyon ngayon ng mga gintong-unggoy, na may 147 bagong indibiduwal.

Anang sarbey, sa ngayon ay 1,618 na ang kabuuang bilang ng nasabing uri ng unggoy.


Bilang ang pinakadulong silangang lugar na tahanan ng mga gintong-unggoy sa mundo, ang Shennongjia ay isa ring natatanging lugar na pinamamahayan ng Hubei subspecies ng gintong-unggoy ng Sichuan.

Salin:Belinda

Pulido:Rhio