Polisyang visa-free transit ng Tsina, pinapalawak

2024-07-15 16:26:09  CMG
Share with:

Inanunsyo, Hulyo 15, 2024, ng Pambansang Administrasyon sa Imigrasyon ng Tsina, na pinalalawak ang polisiya ng 144-hour visa-free transit sa tatlong iba pa entrada ng bansa.

 

Anito, umabot ngayon sa 37 ang mga entradang nagkakaloob ng naturang polisya.

 

Ang tatlong bagong entrada ay Zhengzhou Xinzheng International Airport sa lalawigang Henan sa dakong gitna ng Tsina, Lijiang Sanyi International Airport sa lalawigang Yunnan sa dakong timog kanluran ng Tsina, at Mohan railway port din nasa lalawigang Yunnan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio