Binuksan, Hulyo 12, 2024 sa Bulawagan 1 ng Taipei World Trade Center ang 2024 Taipei Summer Travel Expo, na nilahukan ng 155 kinatawan ng mga kagawaran ng kultura at turismo, at iba’t-ibang kompanya mula sa 12 lalawigan ng Chinese mainland.
Ito ang pinakamalaking delegasyong Chinese mainland na pumunta sa Taiwan matapos ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ang nasabing eskpo ay sama-samang inorganisa ng Association For Tourism Exchange Across the Taiwan Straits (ATETS) at Taiwan Tourism Interchange Association (TTIA).
Ayon kay Lai Sezhen, Tagapangulo ng Komiteng Tagapagpaganap ng TTIA, ang ekspo ay magsisilbing tulay ng pagpapalitan sa pagitan ng Taiwan at Chinese mainland.
“Umaasa kaming sa pamamagitan nito, maipapakita at malilikom ang pagkaka-unawaan ng magkabilang panig ng Taiwan Straits, tungo sa pag-usad ng normal na direksyon ng turismo sa pagitan ng Chinese mainland at Taiwan,” aniya pa.