421 lugar sa rehiyon ng Tatlong Burol at Limang Hardin ng Beijing, inilakip sa listahan ng mga protektadong pangalan

2024-07-17 17:03:46  CMG
Share with:

Isinapubliko kamakailan ng Opisina ng Komite sa Pagpapanatili ng Kasaysayan at Kultura ng Lunsod ng Beijing ang unang batch ng mga pangalang inilakip sa listahan ng mga protektadong tradisyonal na pangalan mula sa rehiyon ng Tatlong Burol at Limang Hardin, na kinabibilangan ng 421 tradisyonal na pangalang tulad ng Yuanmingyuan.

 

Matatandaang, nauna nang inanunsyo ang dalawang iba pang batch ng mga lugar sa core area of capital ng Beijing, na nakalakip sa listahan ng protektadong tradisyonal na pangalan.

 

Ang Tatlong Burol at Limang Hardin ng Beijing ay tumutukoy sa mga imperyal na matulaing pook noong Dinastiyang Qing, na kinabibilangan ng Fragrant Hill, Yuquan Hill, Wanshou Hills, Jingyi Garden, Jingming Garden, Changchun Garden, Yuanmingyuan, at Summer Palace.