Changbai Mountain World Geological Park, pinasinayaan

2024-07-17 16:51:13  CMG
Share with:

Sa Jilin Provincial Tourism Development Conference na idinaos kamakailan, pinasinayaan ang Changbai Mountain World Geological Park.

 

Ito ay palatandaang ang Changbai Mountain na tinaguriang "Bubong sa Hilagang-silangang Tsina" ay maging lugar na panturista sa antas ng daigdig.

 

Matatagpuan sa silangang bahagi ng Asya, ang Kabundukan ng Changbai ang pinakamataas na sistema ng kabundukan sa Hilagang-silangang Asya at mahalagang santuwaryo para sa seguridad na ekolohikal.

 

Batay sa rekomendasyon ng Tsina, inaprubahan noong Marso ng taong ito ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), ang paglakip ng Changbai Mountain World Geological Park sa listahan ng Global Geoparks Network.