"Isang Milyong Kabataang Nagmamasid sa Inang Bayan," sinimulan sa Hubei: kabataan ng Hong Kong at Macau, kalahok

2024-07-17 16:41:19  CMG
Share with:

Upang higit na mapalakas ang pagpapalitan ng mga kabataan mula sa Hong Kong, Macau, at interyor ng Tsina, at mapukaw ang pagmamahal ng mga kabataan sa Greater Bay Area sa kanilang bansa, opisyal na sinimulan, Hulyo 8, 2024 sa sa lunsod Wuhan, lalawigang Hubei, gitnang Tsina ang 12-araw na programang tinaguriang "Isang Milyong Kabataang Nagmamasid sa Inang Bayan."


Kalahok dito ang nasa 400 kabataan mula Hong Kong, Macau, at Shenzhen.


Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa suporta ng All-China Youth Federation, Liaison Office of the Central People's Government in the Hong Kong S.A.R., at Hubei Provincial Department of Culture and Tourism.