Upang matulungan ang mga miyembro ng World Trade Organization (WTO) na maunawaan ang polisyang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina, isang pulong ang idinaos Hulyo 16, 2024 sa Geneva, Switzerland hinggil sa polisyang pangkalakalan ng Tsina.
Nagpokus ang pulong sa “pag-unawa sa polisyang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina mula sa antas ng pamahalaang lokal at sentral.”
Ibinahagi ng mga dalubhasa at iskolar mula sa mga unibersidad ng Tsina, at kinatawan ng mga kompanya ng puhunang dayuhan sa Tsina, ang mga polisya, hakbangin at karanasan sa pagsasakatuparan ng de-kalidad na pag-unlad at pagbubukas sa labas sa mataas na antas.
Kasama ang mahigit 100 iba pang kalahok mula sa Sekretaryat ng WTO, miyembro ng WTO, organisasyong pandaigdig, at media, nagkaroon ng pagpapalitan hinggil sa nasabing usapin.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio