Idinaos kamakailan sa Beijing ng Chinese Ballad Singers Association at Central Academy of Drama ng Tsina ang aktibidad na tinaguriang “Kasiyahan sa Sining: Pagpapalitan ng mga Kabataang Alagad ng Katutubong Sining mula sa Magkabilang Pampang ng Taiwan Straits.”
Sa talakayan, pinag-usapan ng halos 70 guro at estudyante ng katutubong sining ng magkabilang pampang ang tungkol sa pagpapamana at pagpapaunlad ng mga tradisyonal na kulturang Tsino.
Nagkasundo silang kailangang palakasin ng mga kabataan mula sa magkabilang pampang ang komunikasyon, at sama-samang itaguyod ang pag-unlad ng tradisyunal na kulturang Tsino.