Konstruksyon ng “Beijing Rocket Street,” sinimulan: komersyal na paglulunsad sa kalawakan, susuportahan

2024-07-17 17:01:43  CMG
Share with:

Opisyal na sinimulan kamakailan ang proyektong "Beijing Rocket Street" sa Aerospace District ng Beijing Economic-Technological Development Area o Yizhuang New Town.

 

Sa ilalim ng layuning gawing pambansang base ng pananaliksik at produksyon ng komersyal na paglulunsad sa kalawakan, ang Beijing Rocket Street ay isang malaking proyektong kinabibilangan ng mga pasilidad gaya ng Innovation and Research Center, Technology Interaction Exhibition Hall, at iba pa.

 

Sa kasalukuyan, mahigit 70 kompanyang pangunahing nakatuon sa kalawakan ang nasa Beijing Economic-Technological Development Area.

 

Gamit ang "Rocket Street" bilang mahalagang sentro, nagsusumikap itong paunlarin ang isang cluster ng mga inobasyon sa industriya at pabilisin ang pagtatayo ng pangunahing lugar ng pag-unlad para sa komersyal na paglulunsad sa kalawakan ng Tsina.