Pumasok Hulyo 15, 2024, ang “Joint Sea-2024” ng Tsina at Rusya sa yugto ng pagsasanay sa dagat
Umalis ang mga barkong pandigma ng Tsina at Rusya mula puwerto ng isang baseng militar sa lungsod Zhanjiang, probinsyang Guangdong, patungo sa nakatakdang dagat, upang isagawa ang magkasanib na pagsasanay sa paghahanap at pagsagip, magkasanib na air at missile defense at iba pang mga aktibidad.
Ayon sa plano, tatagal nang 3 araw ang nasabing magkasanib na ensayong militar.