Berdeng enerhiya sa pagkakarga ng de-kuryenteng sasakyan, itataguyod ng Beijing

2024-07-17 16:55:28  CMG
Share with:

Inihayag kamakailan ng Beijing Development and Reform Commission (BDRC), na itataguyod nito ang inobatibong pagsasaliksik sa mekanismo ng paggamit ng berdeng enerhiya sa pagkakarga ng mga de-kuryenteng sasakyan.

 

Layon nitong maisulong ang berde at sustenableng paglalakbay sa lunsod.

 

Patuloy na pahuhusayin ng Beijing ang mga kaugnay na mekanismo, at aktibong isusulong ang konsumo at paggamit ng berdeng enerhiya, upang mapabilis ang pagbuo ng isang sustenable at mababang karbong porma ng produksyon at pamumuhay, anito pa.