Konsumong Tsino sa Tag-init, pinasisigla ng samu’t-saring aktibidad

2024-07-18 16:46:00  CMG
Share with:

Pagpasok sa Tag-init, sabay-sabay na ginaganap ang makukulay na aktibidad panturismo at pangkultura sa iba’t-ibang lugar ng Tsina.

 

Dahil sa mga ito, nagiging mas mainit ang merkadong panturismo sa bansa.

 

Ayon sa pagtaya, humigit-kumulang 37 libo ang mga kaganapang panturismo, pangkultura at pangkonsumong idinaraos sa iba’t-ibang lugar ng Tsina ngayong Tag-init.

 

Bukod pa riyan, inihahandog ng maraming lugar ang mga polisiyang preperesyal na gaya ng libreng pagpasok sa mga atraksyong panturista para sa mga undergraduate at estudyanteng katatapos lang ng National College Entrance Examination at senior high school entrance examination.

 

Layon nitong pasiglahin ang konsumo sa Tag-init at tugunan ang magkakaibang pangangailagan ng mga turista.



Salin: Kulas

Pulido: Rhio