Mataas na miyembro ng Hamas, tumanggi sa pag-atras mula sa negosasyon sa tigil-putukan sa Gaza

2024-07-18 17:06:34  CMG
Share with:

Tinanggihan Hulyo 14, 2024 ng isang mataas na miyembro ng Islamic Resistance Movement (Hamas) ang pag-atras nito mula sa bagong round ng negosasyon para sa tigil-putukan sa Gaza, na kasalukuyang isinasagawa sa Doha, kabisera ng Qatar, at Cairo, kabisera ng Ehipto.

                                                                                  

Binatikos din niya si Benjamin Netanyahu, Punong Ministro ng Israel, na sinusubukang sirain ang mga pagsisikap ng mga tagapamagitan.