Ipinahayag kamakailan ni Masoud Pezeshkian, bagong halal na pangulo ng Iran, na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pakikipagkaibigan sa Tsina at sa ilalim ng kanyang pamumuno, inaasahan ng bagong gobyernong Iranyo ang mas malawak na pakikipagtulungan sa Tsina.
Aniya, na sa panahon ng kagipitan, laging sinusuportahan ng Tsina ang Iran at pinahahalagahan ng Iran ang pagkakaibigang Iranyo-Sino.
Noong 2023, ginampanan ng Tsina ang mahalagang papel sa pagpapasulong ng normalisasyon ng relasyon sa pagitan ng Iran at Saudi Arabia. Ipinakikita nito ang konstruktibong pananaw at positibong atityud ng Tsina sa suliraning pandaigdig, dagdag ni Pezeshkian.