Pagbalik ng normal na kaayusan sa lugar-kalamidad, pagpupunyagian ng pangalawang pangulong Tsino

2024-07-22 16:47:27  CMG
Share with:

Batay sa kahilingan ni Pangulong Xi Jinping at Premiyer Li Qiang ng Tsina, dagliang pumunta, gabi ng Hulyo 20, 2024 si Pangalawang Pangulong Zhang Guoqing sa lunsod Yaan, lalawigang Sichuan, dakong timog kanlunran ng Tsina para sa gawaing panaklolo, matapos ang pagguho ng lupa dahil sa malakas na ulan.

 

Umaga ng Hulyo 21, agad sinayasat ni Zhang ang situwasyon at nakita ang kahirapan ng mga mamamayan.

 

Tinukoy niyang dapat gawing priyoridad sa kasalukuyan ang paghahanap at pagliligtas ng mga nawawala.

  

Kailangan din aniyang umiwas sa sekondaryang sakuna, at igarantiya ang kaligtasan ng gawaing panaklolo.

 

Ini-atas din niya ang agarang pagbibigay ng pondo at materyal bilang ayuda sa mga apektado ng kalamidad, palakasin ang garantiya ng materyal at serbisyong medikal sa mga lugar-pinaglikasan, at kumpunihin ang mga nasirang pasilidad, para agad mapanumbalik ang normal na kaayusan ng pamumuhay sa lugar-kalamidad.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio