Premyer ng Tsina, bumati kay Ursula von der Leyen

2024-07-24 15:08:33  CMG
Share with:

Nagpadala, Hulyo 23, 2024 ng mensaheng pambati si Premyer Li Qiang ng Tsina kay Ursula von der Leyen sa kanyang muling pagkahalal bilang pangulo ng European Union (EU) Commission.

 

Sinabi ni Li na palagiang pinahahalagahan ng pamahalaan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa EU, at mahalagang papel at impluwensiya ng EU Commission.

 

Saad niya, na sa kasalukuyan, ang relasyong Sino-EU ay nagpapakita ng matatag na momentum ng pag-unlad at ang diyalogo at kooperasyon sa pagitan ng dalawang panig ay nagdudulot ng mga positibong resulta.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na makipagtulungan sa EU para patuloy na palakasin ang estratehikong pagtitiwalaan sa isa’t isa, komprehensibong palakasin ang kooperasyong may kapakinabangan sa isa’t isa, magkasamang tugunan ang mga pandaigdigang hamon, at gumawa ng mas malaking kontribusyon sa kapakanan ng mga mamamayan ng magkabilang panig, at panatilihin ang katatagan at kasaganaan ng mundo.

 

Salin: Shi Weiyang


Pulido: Ramil