Delegasyong Tsino sa 2024 Olimpiyada ng Paris, abala sa paghahanda

2024-07-25 16:32:20  CMG
Share with:

Sa isang online na preskon, Hulyo 24, 2024, isinalaysay ng delegasyong Tsino sa 2024 Olimpiyada ng Paris ang kanilang paghahanda sa mga palaro.

 

Sa kasalukuyan, halos 20 koponang binubuo ng mahigit 300 atleta, coach, at staff ang nakarating na sa Paris ayon sa plano.

 

Gagawin ng mga coach at staff ang lahat upang masigurong maayos na masusuportahan ang bawat atleta upang makamit ang kanilang mga layunin at pangarap.