Planong paglalagay ng eroplanong "Osprey" sa base militar ng Amerika sa Iwakuni, tinututulan ng mga Hapones

2024-07-25 16:29:24  CMG
Share with:

Nagtipun-tipon, Hulyo 22, 2024 ang mga taga-Yamaguchi Prefecture ng Hapon upang iprotesta ang planong paglalagay ng eroplanong "Osprey" sa base militar ng Amerika sa lunsod Iwakuni.


Sa parehong araw, isinumite ng ilang mambabatas mula sa Yamaguchi at kalapit na Hiroshima Prefecture ang petisyon sa mga ahensya ng pamahalaan para kanselahin ang nasabing plano.